Ang Aking Pamayanan Essay

Ang paglilingkod na pampamayanan o serbisyong pangkomunidad ay isang inaambag na paglilingkod o gawain na isinasagawa ng isang tao o isang pangkat ng mga tao para sa kapakanan ng madla o ng mga panimulaan o institusyon nito. Ang pagboboluntaryo, pagpiprisinta o pagkukusang-loob ay kinasasangkutan ng mga boluntir (volunteer) na maaaring magbigay ng paglilingkod na pampamayanan, subalit hindi lahat ng mga taong nagbibigay ng serbisyong pampamayanan ay tinatanaw bilang isang boluntir, dahil ilan sa mga taong nagbibigay ng paglilingkod na pangkomunidad ay gumagawa nito dahil sa kanilang malayang kagustuhan o pagpapasya; sila ay sapilitang nagsasagawa nito dahil sa:

  • kanilang pamahalaan, bilang isang bahagi ng pangangailangan na pangpagkamamamayan, bilang kapalit ng paglilingkod na pangmilitar;
  • mga hukuman, bilang kapalit o bilang karagdagan sa ibang mga tadhanang parusa (mga sanksiyon) ng hustisyang pangkrimen;
  • kanilang mga paaralan, upang maabot ang mga pangangailangan ng isang klase, katulad ng sa kaso ng pagkatuto sa paglilingkod o upang maabot ang pangangailangan sa pagtatapos ng pag-aaral, o sa kaso ng mga magulang, pangangailangan upang makapagbigay ng pagkaranas at pamayanan, at upang matulungan silang makamit ang kanilang mga layuning pang-edukasyon, pangkaunlaran at panglipunan o pakikipagkapwa.

Ang mga oras at/o mga proyektong paglilingkod ng kabataan ay kadalasang kailangan para sa pagsulong, halimbawa na ang upang sumulong ang isang Iskawt papunta sa susunod na ranggo o upang makapagtapos ng pag-aaral ang isang estudyanteng nasa hayskul.

Ang pagkatuto sa paglilingkod o serbisyong pampagtututo ay isang sinasadyang pag-uugnay ng paglilingkod na pampamayanan sa ipinahayag na mga layuning pampagkatuto. Mahalaga ang pagkaranas ng mga kabataan sa paglilimi, pagpaplano, pagsasakatuparan, at pagtitika hinggil sa kanilang paglilingkod na pampamayanan, na makapagbibigay at makapagpapanatili ng pagkatuto sa paglilingkod na may mataas na kalidad o kaantasan. Nilalayon ito upang magawang isang epektibong kasangkapang pampagkatuto ang paglilingkod na pampamayanan.


Ang lathalaing ito na tungkol sa Lipunan at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito. mmmmmmmm

Mahalin ang iyong kapaligiran.

Bukod pa sa pagiging mga mamamayan ng isang lungsod at isang bansa, lahat tayo ay mamamayan ng daigdig. Nilikha ng Diyos ang magandang mundong tinitirhan natin, at responsibilidad nating igalang ito. Maipapakita natin ang ating pasasalamat sa Kanyang kamangha-manghang likha sa pagiging maingat sa likas na yamang ating tinatamasa at sinisikap na bawasan, gamiting muli, at i-recycle ang mga ito—binigyan tayo ng Diyos ng “kapangyarihan sa lahat ng hayop sa parang,” ngunit kaakibat ng kapangyarihang iyan inaasahan tayong maging responsable sa ating ikikilos (Moises 5:1). Pinagtiwalaan tayong pangalagaan ang daigdig, hindi lamang dahil ito ay kaloob ng Diyos, kundi dahil umaasa tayo rito para mabuhay. Kaunti na lang sa atin ang nagtatanim para sa sarili nating pagkain ngayon hindi tulad noon bago nagkaroon ng pagbabagong pang-industriya, kaya madaling malimutan kung gaano tayo umaasa sa lupaing tinitirhan natin (Lahat ng pagkain natin ay nagmumula sa groseri, ‘di ba?). Makabubuti sa atin ang alalahanin kung saan nagmumula ang ating kinakain ngayon. Para maipakita ang aming pasasalamat sa Diyos, sinisikap naming maingat na gamitin ang mapakikinabangang kagandahan at yaman ng daigdig para sa mga susunod na henerasyon.

Ang Kabutihan ay Nagpapadakila sa Isang Bansa

Ang ating mga kilos ay maaaring makaimpluwensya nang mabuti sa iba.

Ikaw man ay inihalal na opisyal, guro sa pampublikong paaralan o karaniwang botante, ang pagganap mo sa iyong tungkulin sa bayan ay maaaring makapag-ambag sa pag-unlad o pagkasira ng lugar na kinaroroonan mo sa mundo. Ang isang bansa, estado o komunidad ay parang pamilya—di-maiiwasang hindi maging perpekto, ngunit magiging maayos ito kapag mabubuti ang mga taong bumubuo nito. Ang integridad ng isang estado ay nabubuo sa mga kamay ng mga mamamayan nito. Hindi dahil sa hindi mo magawang perpekto ang iyong bansa ay wala ka nang pananagutan. Kung hindi makikibahagi ang mabubuting tao sa mga desisyong pampulitika na humuhubog sa kanilang buhay, dadagsa ang iba pa na may mas makasariling hangarin upang punan ito.


Magbayad ng Buwis kay Cesar at sa Diyos

Igalang ang mga bagay ng Diyos at ng tao.

Nang tanungin ng isa sa mga Fariseo si Jesus kung ano ang pananaw niya tungkol sa pagbibigay ng buwis sa pamahalaan, sinabi Niya, “Ibigay … kay Cesar ang sa kay Cesar; at sa Dios ang sa Dios” (Mateo 22:21). Utang natin sa ating pamahalaan ang mga kalsadang ginagamit natin, ang mga paaralang pinapasukan ng ating mga anak, ang pagpapatupad ng batas na nagpapanatili sa ating ligtas at iba pang mga serbisyong inilalaan nito. Utang natin sa Diyos ang ating buhay at ang mga walang-hanggang oportunidad. Binabayaran natin ang dalawang utang na ito sa magkaibang paraan, at dapat nating igalang ang dalawang ito na pinagkakautangan natin upang maging karapat-dapat sa mga pagpapalang tinatamasa natin sa buhay na ito at sa mga ipinangako sa atin sa buhay na darating.

0 Thoughts to “Ang Aking Pamayanan Essay

Leave a comment

L'indirizzo email non verrà pubblicato. I campi obbligatori sono contrassegnati *